Maagang nag-abiso ang Maynilad Water Services Inc. tungkol sa water interruption na makakaapekto sa mga residente ng mga Caloocan at Malabon sa darating na linggo.
Ayon sa water concessionaire, pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang mga baranggay sa dalawang lungsod sa August 23 at 24.
Ito ay bunsod ng gagawing maintenance work sa kahabaan ng Reparo Road malapit sa Tirona sa August 23, Huwebes.
Apektado ang Barangays 148 hanggang 150; Barangays 152 hanggang 155 sa Caloocan City.
Habang sa Malabon City, ang apektado ay ang ilang bahagi ng Barangay Potrero.
Magsisimula ang water interruption ng alas-6:00 ng gabi at tatagal hanggang alas-6:00 ng umaga.
Pinayuhan ang mga residente na mag-imbak ng tubig bago ipatupad ang water service interruption.
Samantala, sa isa pang advisory, sinabi ng Maynilad na mawawalan din ng tubig ang ilang bahagi ng Quezon City, bukas, August 20 araw ng Lunes mula ala-1:00 hanggang alas-5:00 ng hapon.
Ang mga apektadong lugar ay ang Barangay San Agustin at ilang bahagi ng Interville Subdivision.