Asian Games, nagsimula na

AFP Photo

Nagbukas na Sabado ng gabi ang 18th Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

Sa opening ceremony sa Gelora Bung Karno stadium, tila nagliwanag ang kalangitan bunsod ng isang pyrotechnic show ng Indonesian government.

Sakay ng motorbike ay pasabog din ang naging entrance ni Indonesian President Joko Widodo na siyang mismong nagbukas ng ikalawang hosting ng bansa para sa Asian Games.

Ayon kay Widodo, isang karangalan para sa bansa na tumanggap ng bisita mula sa 45 mga bansa.

Gusto anya ng lider na maipakita ng mga bansa sa Asya ang pagkakaisa sa kasagsagan ng Asiad.

Tila ganito ang ipinakita ng North at South Korea matapos magkasamang magmartsa ang kanilang mga atleta sa ilalim ng isang common flag.

Samantala, ang delegasyon ng Pilipinas ay pinangunahan ni Jordan Clarkson.

Umabot sa 272 atleta ang nagrerepresenta sa bansa sa Asian Games.

Pinakatampok sa opening ceremony ang pagdadala ng Olympic badminton champion na si Susi Susanti sa Asian Games’ torch sa tuktok ng bulkan na sinundan ng nakamamanghang fireworks display.

Ang palaro na tatagal hanggang September 2 ay binabantayan ng nasa 100,000 pwersa ng pulisya at militar.

Read more...