Bigtime na pusher ng shabu nalambat ng PDEA sa P’Que City

Umaabot sa P3.4 Million na halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kanilang ginawang operasyon sa Parañaque City Biyernes ng gabi.

Sinabi ng PDEA na naaresto nila sa loob ng isang mamahaling subdivision sa lungsod ang drug suspect na si Arnel Sabal na tubong Cotabato City.

Sa naturang operasyon ay nakuha ng PDEA sa suspek ang halos ay kalahating kilo ng shabu na may street value na P3.4 Million samantalang nakatakas naman ang kanyang tauhan na kinilala lamang sa pangalang “Oscar”.

Ipinaliwanag rin ng PDEA na isang bigtime na tulak si Sabal na umano’y nasa likod ng pagsu-suplay ng droga sa ilang mga lugar sa Metro Manila.

Idinagdag pa ng PDEA na si Sabal mismo ang naglalagay sa sachet ng kanyang ibinebentang shabu para madali itong maibenta ng tingi sa kanyang mga suki.

Inihahanda na ang kaukulang kaso na isasampa laban sa nasabing suspek.

Read more...