PSA: National ID system ipatutupad na sa Agosto 25

Inquirer file photo

Simula sa August, 25 ay epektibo na ang pagpapatupad ng national identification system sa buong bansa ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ang Philippine Identification System (PhilSys) Act ay pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakalipas na August 9.

Ipinawaliwanag ni National Statistician Lisa Grace Bersales na nakasaad sa batas na magiging epektibo ito 15-days makalipas na mai-publish sa mga major dailies sa bansa.

Sa pagsisimula ng pagpapatupad ng batas ay maglalabas ang PSA ng isang milyong mga I.D kung saan kasama sa mga maunang mabibigyan ay ang mga beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Nakalagay sa nasabing ID ang pangalan, address, birthdate, place of birth, kasarian, blood type, larawan at biometrics.

Nauna dito ay naglaan ang pamahalaan ng inisyal na P2 Billion na pondo para sa pagpapatupad ng Philippine Identification System.

Nakapaloob ang nasabing budget sa 2018 General Appropriation Act.

Read more...