Itinuturing ng Department of Transportation (DOTr) na isang eye opener ang nangyaring pagsasara ng runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa pagsadsad ng eroplano ng Xiamen air.
Sa isang pahayag na inilabas ng DOTr, sinabi ni Sec. Arthur Tugade, nakakalungkot ang inabot na abala na idinulot ng pangyayari na walang may gusto.
Sinabi ni Tugade na dahil dito, kinailangan nilang tingnan muli ang kanilang mga proseso at protocol pati na ang ibang ahensya at mga airline company.
Ginawa aniya nila ang lahat para resolbahin ang sitwasyon.
Humingi rin ito ng paumanhin sa lahat sa pangalan ng DOTr.
Pinapurihan naman ni Tugade ang nasaksihan niyang bayanihan at dedikasyon ng mga opisyal mula sa CAAP sa pamumuno ni Director General Jim Sydiongco, MIAA, sa pangunguna ni General Manager Ed Monreal, mga kawani ng DOTr pati na ang tulong na inialok ng pribadong sektor, mga volunteers at iba pang paliparan tulad ng Subic at Clark.