Pagbili ng Robinsons sa Rustans pinagtibay na ng PCC

Rustans FB page

Pinagtibay ng Philippine Competition Commission ang pagbili ng Robinsons Retail Holding Inc. para sa 100-percent stake sa Rustan Supercenters Inc.

Ito ang kinumpirma ng Mulgrave Corporation B.V, Robinsons na pag-aari ng Dairy Farm International Holdings Ltd. Group of Companies.

Noong March 23, 2018 ay nauna nang sinabi ng Robinsons na sila ay pumasok sa partnership sa Dairy Farm para sa pagtatayo ng isang retail business.

Nakapaloob sa kanilang kasunduan ang “share-to-share” swap involving shares sa Rustans Supercenter kung saan kasama dito ang kundisyon na pwede rin silang primary common shares sa Robinsons Retail.

Sinabi ni Gina Roa-Dipaling, Investor Relations Officer ng Robinsons na inaasahan nilang matatapos ang buong transaksyon para sa pagtake-over sa operasyon ng Rustan Supercenter sa bahagi ng taon.

Read more...