Pang. Duterte, mananatili sa PDP-Laban

Mananatiling miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan o PDP-Laban si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang presidente mismo ang nagkumpirma nito, sa gitna ng mga lumutang na espekulasyon na lilipat na siya sa Hugpong ng Pagbabago o HNP, na partido ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Matatandaan na ang PDP-Laban ang nagdala kay Duterte sa kanyang kandidatura noong 2016 Presidential polls.

Sa kanyang pagdalo sa HNP convention sa Davao City, sinabi ni Duterte na ayaw niya na magpalit ng partido kaya mananatili siya sa PDP-Laban.

Nauna nang inihayag ni Inday Sara na handa siyang tumulong sa pagsasaayos ng “internal problem” sa PDP-Laban.

At sa panig ng matandang Duterte, sinabi niyang magbibigay siya endorsement sa HNP, partikular sa mga kandidato para sa 2019 midterm elections.

Dumalo si Duterte sa HNP convention, kung saan present din ang iba pang mga politiko gaya ni Senators Cynthia Villar, JV Ejercito at Sonny at sina Presidential Spokesperson Harry Roque at Ilocos Norte Governor Imee Marcos.

 

Read more...