Higit 14K na piraso ng ecstasy nasamsam ng BOC

 

Nadiskubre ng Bureau of Customs (BOC) ang higit sa P24.1 million na halaga ng ecstasy tablets sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.

Nabatid na ang 14,204 na tabletas ay ibinalot sa mga plastik at isiniksik sa central processing unit o CPU ng desktop computer.

Ang package ay dumating mula sa France noong Agosto 4 at dalawang linggo ang lumipas bago ito kinuha ng isang Joan Reynoso ng Cavite City.

Ito na ang ikatlong pagkakataon na naharang ng Customs Bureau ang pagpuslit ng party drugs.

Noong Abril, 962 na ecstasy na galing The Netherlands ang nakumpiska at noon lamang nakaraang buwan ay higit sa 1,000 piraso ng party drugs mula sa Germany ang naharang.

Ang mga droga ay sasailalim sa kustodiya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ang ahensya ang magsasampa ng kaso laban kay Reynoso.

Read more...