3 arestadong abogado ng Times Bar, pinalaya na

 

SPD Photo

Pinakawalan na ang tatlong abogado ng Times Bar, na kinasuhan dahil umano sa kanilang pagsagabal sa search operation ng mga pulis sa naturang bar.

Pansamantalang nadetine sina Jan Vincent Sambrano Soliven, Lenie Rocel Elmido Rocha at si Romulo Bernard Bustamante Alarkon sa Makati City Police.

Pero sa bisa ng utos ng piskal ay nakalaya ang tatlong abogado ng Desierto & Desierto law firm pasado 8:30 ng gabi.

Itinakda naman sa August 28, 2018 ang preliminary investigation sa kanilang kinakaharap na mga kaso.

Maliban sa obstruction of justice, ay nahaharap din ang tatlong abogado sa disobendience to persons of authority at constructive possession of illegal drugs.

Sina Soliven, Rocha at Alarkon ay abogado ng Times Bar sa Makati City na matatandaang sinalakay ng mga pulis dahil sa bentahan daw ng party drugs sa mga kustomer.

 

Read more...