LOOK: Memorial marker para kay Kian delos Santos, pinasinayaan

 

Photo c/o Akbayan Party

Iba’t ibang grupo at personalidad ang dumalo sa pagpapasinaya ng isang memorial marker para kay Kian delos Santos, Biyernes ng hapon (August 17).

Ito ay kaugnay sa unang anibersaryo ng pagkamatay ng menor-de-edad na sinasabing biktima ng war against drugs ng administrasyong Duterte.

Ang memorial marker ay matatagpuan sa San Roque Church sa Caloocan City.

Photo c/o Akbayan Party

Dumating sa pagtitipon sina Caloocan Bishop Emeritus Deogracias Iñiguez, Senador Risa Hontiveros at mga kaanak, kaibigan at kapitbahay ni Kian, na pawang umaasa na makakamit ang hustisya para sa 17-anyos na binatilyong napatay noong August 16, 2017.

Si Caloocan Bishop Pablo David ang nagbasa ng memorial marker, kung saan nakalimbang “Si KIan ay pinaslang sa araw ng kapistahan ni San Roque, Patron ng Dioceses of Kalookan. Isa lamang siya sa 81 katao na pinatay sa loob ng apat na araw sa Kalakhang Maynila.”

Hindi naman naiwasang magpatutsada ni Bishop Iñiguez, at sinabing ang mga dapat na naglilingkod para sa bayan ay sila pang nangunguna sa paglapastangan sa karapatan ng mga mamamayan.

Sa panig ni Hontiveros, iginiit niyang huwag sanang makalimot ang lahat sa alaala ni Kian at patuloy na hingin ang accountability para sa bawat nasawi sa aniya’y kultura ng patayan.

 

Read more...