Tatlumpu’t dalawang piraso ng vintage bombs ang natuklasan sa isang construction site sa loob ng
Zamboanga City State Polytechnic University (ZCSPU).
Ang lugar na kinatatayuan ng unibersidad ay natuklasang ginamit na military camp noong panahon ng World War II.
Ayon kay Roy Valesco, guro sa unibersidad, na-recover ng bomb squad ang 22 piraso ng vintage bombs araw ng Biyernes (Aug 17).
Noong August 7, nauna nang nakakuha ng 11 piraso ng vintage bombs sa hiwalay na lugar sa naturang construction area.
Ayon kay Valesco, pinagiba ng ZCSPU ang lumang gusali para sa kanilang high school na Zamboanga Schools of Arts and Trade para matayuan ng bago.
Ang mga nakuhang bomba ay pawang tube types na howitzer at 69 mm.
READ NEXT
Oil price hike dahilan ng pagdami ng mga Pinoy na nagsabing humirap ang kanilang buhay ayon sa Malakanyang
MOST READ
LATEST STORIES