Pagsuspinde ng MMDA sa “driver only ban” sa EDSA ikinatuwa ng mga senador

File Photo

Welcome development para kina Senators Tito Sotto at Ralph Recto ang pagsuspinde sa implementasyon ng ban sa driver-only vehicle sa EDSA.

Ayon kay Sotto, masaya siya gaya ng iba pang mga motorista sa naging pasya ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ani Sotto, sa sandaling malinis na ang mga kalye sa Metro Manila mula sa mga ilegal na nakaparadang sasakyan ay maaring muling ipatupad ang nasabing traffic scheme.

Sa ngayon kasi aniya hirap humanap ng alternatibong madaraanan ang mga apektadong motorista dahil ginagawang paradahan ang mga kalye.

Ayon namay kay Recto, magandang balita ang ginawang pagsuspinde ng MMDA sa full implementation ng traffic schme.

Para kay Recto, pwede namang maglagay na lang ng car pool lane sa EDSA pero hindi aniya patas na maitituring kung iba-ban ang mga sasakyang isa lang ang sakay.

Magugunitang nagpasa ng resolusyon ang senado na humihiling sa MMDA na suspindihin ang implementasyon ng HOV scheme.

Read more...