Ang HDO ay inilabas ng Makati Regional Trual Branch 65 upang maharang ang anumang tangkang pagbiyahe ni Peter Lim.
Inatasan ng korte ang Bureau of Immigration (BI) na ipatupad ang kautusan at pigilan si Lim sakaling makita ito saanmang paliparan o mga daungan.
Nakasaad sa naturang kautusan ng Korte na ang 74 anyos na si Lim ay huling nanirahan sa Barangay Kasambangan sa Mabolo, Cebu City.
Si Lim ay co-accused nina Kerwin Espinosa, Marcelo Adorco at Ruel Malindangan sa kasong paglabag sa Sec. 26 at Sec. 5, Article II ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
MOST READ
LATEST STORIES