Closure ng international runway ng NAIA pinalawig pa hanggang 7PM

Kuha ni Jan Escosio

Pinalawig pa ng tatlong oras ang pagsasara ng runway 06/24 na naapektuhan ng sumadsad na eroplano ng Xiamen Air.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) mananatili ang pagsasara ng runway hanggang alas 7:00 ng gabi.

Ibig sabihin wala pa ring international flights na makaaalis at makalalapag sa NAIA.

Unang sinabi ng MIAA na hanggang alas 12:00 ng tanghali lang ang closure na kalaunan ay ginawang alas 4:00 ng hapon.

Sinabi ni MIAA General Manager Ed Monreal, nag-arkila pa ng boom crane na gagamitin para maiangat ang eroplano.

Ang mga bagahe naman na nasa eroplano ay naibaba na at ipinamahagi na sa mga pasahero.

Read more...