Unang naganap ang pananambang sa biktimang si Erwin Gonzales, 33 anyos at small town lottery bet collector supervisor sa bahagi ng bayan ng San Antonio.
Ayon sa kay Sr. Supt. Randy Buenaventura, alas 9:15 ng gabi nang tambangan si Gonzales ng riding in tandem sa Barangay Puri.
Nagtamo si Gonzales ng 10 tama ng bala ng baril.
Batay sa inisyal ng imbestigasyon, posibleng personal na galit ang motibo sa krimen.
Samantala, sa bayan naman ng Unisan, pinagbabaril ng riding in tandem suspects ang biktimang si Randal De Los Reyes alas 2:30 ng madaling araw.
Sinundan umano ng mga suspek ang biktima sa bahagi ng Barangay Socorro at saka siya binaril.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.