Hindi ipapatupad ng liderato ng kamara ang dismissal order ng Office of the Ombudsman laban kay Cebu Rep. Gwendolyn Garcia.
Ayon kay Deputy Speaker Prospero Pichay, ginawa ni Garcia ang sinasabing paglabag sa batas noong siya ay gobernador pa.
Paliwanag nito, ang kautusan ng Ombudsman na pagsibak kay Garcia ay bilang isang gobernador at hindi isang kongresista
Sinabi pa Pichay na walang kapangyarihan ang Ombudsman na manghimasok sa pagdidisiplina sa mga kongresista at senador.
Nauna rito, pinagtibay ng Ombudsman ang kautusan nito na nagdi-dismiss kay Garcia dahil sa pagbili ng Balili Property sa Naga City, Cebu ng walang otorisasyon mula sa Sangguniang Panlalawigan noong siya ay gobernador pa.
Bukod dito, ang bahagi ng ang biniling property na nagkakahalaga ng P98.9M ay dagat na.