Sa inilabas na memorandum na pirmado ni Bautista, ang suspensyon ay para mabigyang pagkakataon ang mga mag-aaral na makiisa sa paggunita sa Birth Anniversary ni dating Pang. Manuel Luis Quezon.
Mayroon kasing localized ceremonies at mga aktibidad na gagawin sa lungsod sa nasabing petsa.
Ipinaubaya naman na ng alkalde sa pamunuan ng mga paaralan ang pagpapasya kung kakailanganin ng remedial classes o dagdag na academic work para mapunan ang suspensyon.
Magugunitang pagkatapos manalasa ng Habagat ay nagsuspinde rin ng klase sa halos buong Metro Manila.
Habang sa Martes, August 21 ay deklarado namang holiday para sa Eid’l Adha at Ninoy Aquino Day.