Jomalig, Quezon niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang bayan ng Jomalig sa lalawigan ng Quezon.

Naitala ang pagyanig sa 62 kilometers north east ng Jomalig alas 10:58 ng umaga ng Biyernes (Aug. 17).

Ayon sa Phivolcs, may lalim na 1 kilometer ang lindol at tectonic ang origin.

Naitala ang Intensity 1 sa Jose Panganiban, Camarines Norte bunsod ng nasabing lindol.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala.

Read more...