1.7M na katao mula sa iba’t ibang mga bansa magtitipun-tipon sa Saudi Arabia para sa Hajj pilgrimage

AFP Photo

Tinatayang aabot sa 1.7 million na katao ang magtitipon-tipon sa Mecca, Saudi Arabia para dumalo sa taunang Hajj pilgrimage sa pagtatapos ng Ramadan.

Ayon sa Ministry of Consular Affairs ng Saudi, sa kabuuan umabot sa 1,720,680 ang naiproseso nilang Hajj visa.

Naging mabilis din umano ang pagproseso ng Hajj visa sa ngayon matapos gumamit ng high-tech na pasilidad ang konsulada.

Ang mga pilgrims ay mula pa sa iba’t ibang panig ng mundo na taunang nagtutungo sa Mecca para sa Hajj.

Ang Hajj ay taunang Islamic pilgrimage sa Mecca na holiest city para sa mga Muslim sa Saudi Arabia.

Read more...