PUBLIC SERVICE: Scheduled power interruption ng Meralco sa Tondo, Maynila at Fairview, QC

Mawawalan ng suplay ng kuryente ngayong araw ang bahagi ng Tondo sa Maynila at Fairview sa Quezon City.

Ayon sa Meralco alas 8:30 ng umaga hanggang alas 2:30 ng hapon ang power interruption na maka-aapekto sa Barangay 253 Zone 23 District 2 Barangay Hall sa Tondo.

Mayroon kasing gagawing conversion ang Meralco sa kanilang 6.24 kilovolt electric circuit sa Sampaloc patungo sa electric system ng Tondo.

Sa Quezon City naman, alas 9:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon ang power interruption sa Barangay Fairview.

Ito ay dahil naman sa line reconductoring work ng Meralco sa Regalado Avenue at Boluva Street.

Read more...