Mga Presidentiables kanya-kanyang pabida sa PCCI forum

poe-roxas-binay-0721
Inquirer file photo

Nagkaroon ng pagkakataon na makaharap ng grupo ng mga negosyante ang apat na mga presidential candidates sa ginanap na forum ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI).

Isa-isang sinagot nina Vice-President Jejomar Binay, dating Sec. Mar Roxas, Sen. Mirriam Defensor Santiago at Sen. Grace Poe ang mga isyu na ipinukol sa kanila ng grupo.

Nang tanungin kung ano sa tingin niya ang pangunahing suliranin ng pamahalaan, sinabi ni Vice-President Binay na hindi korupsyon kundi kawalan ng trabaho ang dapat na tutukan ng administrasyon.

Nagawa din niyang ipagtanggol ang Iglesia ni Cristo sa mga isyung kasalukuyang kinakaharap ng pamunuan nito.

Nang natuningin naman si dating DILG Sec. Mar Roxas kung ano ang magiging pagbabago ng kanyang administrasyon sakling palarin sa 2016, kanyang sinabi na magpapatuloy ang transparency sa gobyerno.

Ipinagmalaki rin ni Roxas ang mga pagbabagong nagawa ng administrasyon na ayon sa kanya ay nakatuon sa pagpapalago ng ating ekonomiya.

Sumentro naman sa tambalang Santiago-Marcos ang naging tanong kay Sen. Mirriam Defensor Santiago.

Binangggit ng mambabatas na kayang sagutin ni Sen. Bongbong Marcos ang mga isyung ipinupukol sa kanya kasabay ang pagsasabing sesentro sa matinong pamumuno ang kanyang administrasyon kapag nanalo ang kanilang grupo sa 2016.

Late naman na dumating sa pagtitipon si Sen. Grace Poe dahil sa naunang commitment.

Naging sentro ng mga pagtatano sa kanya ang usapin sa kanyang citizenship bagay na ipinagkibit-balikat ng mambabatas sa pagsasabing kaya niyang sagutin ng tuwid ang isyu sa tamang forum.

Binanggit din ni Poe na sa Huwebes ay ipakikilala na nila ang buong Senatorial slate ng tambalang Poe-Chiz na ayon sa kanya ay dumaan sa masusing pagpili ng kanilang grupo.

Read more...