PNoy handang tumulong kahit na sino ang maging susunod na pangulo

13pnoy
Inquirer file photo

Handa si Pangulong Noynoy Aquino na tumulong sa sinumang susunod na Pangulo ng bansa kahit hindi pa niya kaalyado.

Gayunman, nilinaw ng pangulo na tulad ng kanyang inang si dating Pangulo Cory Aquino hindi ito mahilig magbigay ng unsolicited advice.

Sa kanyang pagharap sa FOCAP Annual Presidential Forum, sinabi ng pangulo na handa naman siyang mag-bigay ng tulong basta hilingin ito sa kanya ng sinuman kahit hindi pa ang kanyang annointed one ang maupong susunod na lider ng bansa.

Matatandaan na kabilang sa mga mahigpit na kalaban ng annointed one ni PNoy na si dating Secretary Mar Roxas ay si Vice President Jejomar Binay na isa na sa mga kritiko ng administrasyon.

Kinumpirma din ng pangulo na wala siyang plano na mag-ala ex-President Gloria Arroyo na tumakbo bilang kongresista ng Pampanga pagkatapos bumaba sa Malacanang.

Aniya, tapos na ang filing ng Certificate of Candidacy kaya malabo siyang tumakbo sa 2016 at wala lalong wala siyang political ambition sa 2019.

Ang puwede aniya niyang gawin pagkatapos niyang magretiro ay isulong ang kanyang mga adbokasiya.

 

Read more...