Malakas na lindol tumama sa Japan

Niyanig ng magnitude 6.6 na lindol ang bansang Japan kaninang hatinggabi.

Batay sa datos na inilabas ng Japan Meteorological Agency, naganap ang pagyanig sa Iwoto Kinkai region kaninang alas-2:21 ng umaga, oras sa Pilipinas.

Naitala ang JMA seismic intensity 1 sa naturang lugar.

May lalim lamang ang lindol na 2 kilometro.

Bagaman malakas ang naging pagyanig ay nilinaw naman ng PHIVOLCS na walang nakataas na anumang tsunami warning sa Japan at maging sa Pilipinas.

Read more...