Isabela, niyanig ng magnitude 3.2 na lindol

Phivolcs photo

Tumama ang magnitude 3.2 na lindol sa Isabela, Huwebes ng gabi.

Batay sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa bayan ng Divilacan bandang 9:48 ng gabi.

May lalim ang lindol na 56 kilometers at tectonic ang pinagmulan.

Gayunman, walang napaulat na nasirang ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks bunsod nito.

Read more...