US defense, nagbabala sa Pilipinas ukol sa pagbili ng armas sa Russia

Inquirer file photo

Binigyang-babala ng US defense ang Pilipinas sa pagbili ng mga armas at iba pang military equipment sa Russia.

Ayon kay US assistant secretary of defense for Asian and Pacific security affairs Randall Schriver, hindi ito maganda sa relasyon ng Pilipinas sa Estados Unidos.

Kung matutulong aniya ang pagbili ng armas sa Russia, nangangahulugan ito na mawawala na ang ugnayan ng Pilipinas at Amerika.

Dagdag pa nito, mas mabuting kaalyado ang Amerika kaysa sa Russia para sa Pilipinas.

Matatandaang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na kinokonsidera ng pamahalaan ang pagbili ng submarines mula sa South Korea o Russie bilang parte ng modernization program ng militar.

Read more...