Nagkaisa ang lahat ng mga senador at inaprubahan ang resolusyon para bawiin at suspindihin ng MMDA ang pagpapatupad ng High Occupancy Vehicle o HOV Lane sa EDSA.
Iniakda nina Senate President Vicente “Tito” Sotto III, Majority Leader Miguel Zubiri at Minority Leader Franklin Drilon ang Senate Resolution 845 at sinang-ayunan ito ng lahat ng mga senador.
Sa kanyang sponsorship speech, inilitanya ni Drilon ang mga dahilan para suspindihin muna ng MMDA ang naturang traffic scheme.
Binanggit pa nito ang panganib na lumaganap ang ‘for hire driver.’
Binanggit din ng senador ang isyu sa mga tinted na sasakyan at paniwala pa nito, mas lilikha ito ng traffic sa EDSA.
Sinabi naman ni Sotto na sablay ang panibagong traffic reducing scheme ng MMDA.
Ayon naman kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, inilipat lang ng MMDA ang problema sa ibang kalsada.
Paniwala ni Recto, hindi ang paghihigpit sa paggamit sa EDSA ang solusyon sa problema sa traffic.
Para naman kay Senadora Grace Poe, malaking problema ang ‘driver-only’ ban sa EDSA sa mga magulang.
Nang pinaboran ng mga senador ang resolusyon, ipinag-utos agad ni Sotto na padalhan ang MMDA ng kopya para maikunsidera ng ahensiya.
Narito ang buong ulat ni Jan Escosio: