Una nang sinabi ng pangulo na walang karapatan ang China na bawalan ang dayuhang barko at eroplano na dumaan sa nasabing karagatan.
Sa statement na ipinadala ng China sa Reuters, sinabi ng kanilang Foreign Ministry na teritoryo nila ang Spratly Islands.
Iginagalang umano ng China ang malayang paglalayag at paglipad sa South China Sea na tinatamasa ng lahat ng bansa sa ilalim ng international law.
|
Pero iginiit ng China ang karapatan na magsagawa ng kaukulang hakbang bilang tugon sa eroplano at barko na sinasadya umanong lumapit sa South China Sea.
Hinimok ng China ang ibang panig na makipag-ugnayan sa kanila at parehong ingatan ang magandang sitwasyon sa lugar.