EU, nagbigay ng higit P120M-humanitarian aid para sa Mindanao

Radyo Inquirer File Photo

Nagbigay ang European Commission ng €2 million o P121.7 milyong pondo para sa mga biktima ng karahasan sa Mindanao region.

Sa isang pahayag, sinabi ng EU na layon nitong makatulong sa pagbibigay ng pagkain, tirahan, tubig at hygiene assistance sa mga residente sa naturang rehiyon.

Paliwanag ni Commissioner for Humanitarian Aid and Crisis Management Christos Stylianides, libu-libong residente ang pwersahang inilikas sa kanilang mga tahanan bunsod ng kaguluhan sa Mindanao.

Wala aniyang natira sa mga ari-arian ng mga residente at nahihirapan pang makabalik sa kanilang normal na pamumuhay.

Nakapagloob din sa tulong-pinansyal ang EU para matutukan ang edukasyon at pagpapaigting ng seguridad sa mga apektadong komunidad.

Sa tala ng EU, mahigit-kumulang 500,000 katao ang nangangailangan ng humanitarian assistance sa rehiyon kabilang na ang 270,000 bawit at 100,000 kabataan na natigil sa pag-aaral.

Read more...