Tumaas ang bilang ng mga Pilipino na naniniwalang lumala ang kanilang mga buhay sa ikalawang kwarter ng 2018.
Ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey na ginawa mula June 27 hanggang 30, 32% ang nagsabi na bumuti ang kanilang buhay at 27% ang nagsabi na lumala ang kanilang buhay para sa Net Gainers score na +5.
Sa kabila ng classification na “high,” ang bilang ay nananatiling 15 points na mababa sa +20 (excellent) noong March 2018.
Ito rin ang pinakamababang figure mula sa +3 (high) noong Abril.
Lumabas naman sa survey na “excellent” pa rin ang kalidad ng buhay ng mga Pinoy kung saan 49% ang umaasa na bubuti ang kanilang buhay sa susunod na 12 buwan habang 5% ang umaasa na lalo itong magiging malala.
Ang resulta na +44 ay “excellent” ang classification ng SWS na apat puntos na mataas sa +40 noong Marso.
Ayon pa sa survey, 43% ng respondents ang positibo na lalago ang ekonomiya ng bansa sa susunod na taon at 13% ang nagsabi na babagsak ito para sa Net Economic Optimists score na +30 na excellent ang classification. Ito ay 1 point na mababa sa +31 noong March 2018.