Si Kian ay ang 17-anyos na binatilyong napatay sa isang police operation sa Caloocan na bahagi ng anti-illegal drugs campaign ng administrasyong Duterte.
Sa isang pahayag, sinabi ni Guevarra na nakumpleto na ng prosekusyon at 12 nagsilbing witness ang pagpiprisinta ng mga ebidensya.
Posible aniyang maglabas na ng desisyon ang judge anumang araw ngayong taon.
Nahaharap sa kasong murder at pagtatanim umano ng ebidensyang droga at baril kay Kian ang mga pulis na sina Police Officer 3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Pereda at PO1 Jerwin Cruz sa Caloocan Regional Trial Court Branch 125.
Samantala, inalala ng mga kaanak at kaibigan ang unang anibersaryo ng pagkamatay ni Kian.