Natapat kasi na parehong special non-working day para sa Ninoy Aquino day at regular holiday naman sa paggunita ng Eid al-Adha ang naturang araw batay sa deklarasyon ng Palasyo ng Malakanyang.
Sa inilabas na Labor Advisory 12, sinabi nito na kung hindi magtatrabaho ang empleyado sa nasabing araw, makatatanggap pa rin ito ng 100 porsyento ng kaniyang sweldo sa isang araw depende sa kondisyon ng pinapasukang kumpanya.
Samantala, sa mga makakapasok naman, makatatanggap ang empleyado ng double pay at dagdag pang 30 porsyento kung saan katumbas na ito ng 260 porsyento ng basic pay.
Para sa may overtime work, maliban sa 260 porsyento, madadagdagan pa ang kanilang sweldo ng 30 porsyento.
Sa mga matatapat naman na day-off pero papasok pa rin, karagdagang 50 porsyento ang makukuha sa kanilang sa basic pay sa isang araw.
At sa mga magtatrabaho na lagpas sa walong oras na natapat pa sa kanilang day off, dagdag pang 30 percent ng kaniyang hourly rate.