Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ang private carpools ay hindi colorum.
Sa isinagawang technical working group meeting ng House Committee on Transportation, tinanong ni Muntinlupa Representative Ruffy Biazon si LTFRB chair Martin Delgra III kaugnay sa panukalang carpooling ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Aniya, hindi ito maituturing na colorum hangga’t hindi naniningil ng pamasahe ang drayber sa mga pasahero.
Suportado aniya ng ahensya ang carpooling kasunod ng high-occupancy vehicle (HOV) traffic scheme ng MMDA sa EDSA tuwing rush hour.
Gayunamn, inamin ni Delgra na mahirap malaman kung colorum o carpool vehicles ang mga dadaan sa EDSA.
Dahil dito, binalaan ni Delgra ang mga colorum na drayber na huwag ito pagsamantalahan para hindi malito sa ipinatutupad na batas ng mga otoridad.
Hinihikayat pa rin aniya ang mga commuter na mag-carpool kasama ang kanilang mga kaanak o kaibigan.