Sa isinagawang public panel interview ng mga miyembro ng Judicial and Bar Council (JBC), tinanong si De Castro ni retired Judge Toribio Ilao kaugnay sa mga ari-ariang nakarehistro sa ilalim ng mga pangalang “Teresita Leonardo-De Castro” at “Teresita De Castro.”
Ayon kay Ilao, kasama rito ang apat na ari-arian sa Maynila, lima sa Calamba, Laguna at dalawa sa Baguio.
Sagot naman ni De Castro, wala siyang ari-arian sa mga nabanggit na lugar.
Aniya, ang tanging ari-arian niya lang ay nasa Parañaque at sa Katarungan Village sa Muntinlupa.
Ang Katarungan Village ay isang housing project para sa mga empleyado ng Department of Justice (DOJ).
Paliwanag ni De Castro, nakuha niya ito matapos magtrabaho bilang state counsel ng naturang kagawaran.
Ang naturang interview ay para sa magiging susunod na punong mahistrado ng Korte Suprema.