Higit 100 na OFW mula Dubai, balik-Pilipinas na

Inquirer file photo

Balik-Pilipinas na ang 101 na overseas Filipino workers (OFW) na napagkalooban ng amnesty program ng United Arab Emirates (UAE) government, araw ng Huwebes.

Lulan ang mga OFW ng Philippine Airlines flight PR 659 na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 pasado 10:00 ng umga.

Binayaran naman ng Deparment of Foreign Affairs (DFA) ang absconding at immigration fees at connecting flights ng mga OFW.

Sa mga nais mag-avail ng naturang amnesty program, pinaalalahan ang mga OFW na maaaring pumunta sa pinakamalapit na Konsulada ng Pilipinas at Embahada ng Pilipinas o bisitahin ang website na pcgdubai.ae mula August 1 hanggang October 31.

Hindi naman sakop ng alok na programa ang mga Pilipinong nahaharap sa kaso.

Read more...