Bilang ng HOV scheme violators, umabot sa 2,700

Umabot ng mahigit 2,700 ang bilang ng mga nahuling motorista na lumabag sa high-occupancy vehicle (HOV) traffic scheme ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa EDSA.

Ito ay sa ikalawang araw ng isang linggong dry run ng naturang polisiya.

Sa tala ng MMDA, as of 2:20 ng hapon, tinatayang 2,715 ang mga lumabag sa bagong traffic scheme sa bahagi ng Epifanio Delos Santos Avenue sa EDSA.

Dahil dito, inabusihan ni MMDA General Manager Jojo Garcia ang mga commuter na mag-carpool kasama ang mga kaanak o kaibigan para maiwasang mahuli.

Matatandaang umabot ng mahigit 3,000 motorista ang nailistang lumabag sa HOV scheme sa unang araw ng dry run.

Target na ituloy ang implementasyon ng HOV simula sa August 23, araw ng Huwebes.

Sa ilalim ng naturang polisiya, ipagbabawal ang ‘driver-only’ sa EDSA simula 7:00 hanggang 10:00 ng umaga at 6:00 hanggang 9:00 ng gabi.

Read more...