Korean girl group na Momoland, nasa Pilipinas na

Photo credit: Momoland’s Instagram account

Nakarating na ang kilalang Korean all-girl group na Momoland sa Pilipinas, Huwebes ng umaga.

Gamit ang kanilang Instagram account, nag-post ng litrato ang dalawang miyembro nito kasama ang pinakasikat na miyembro na si Nancy.

Si Nancy ang sinasabing kahawig ng Kapamilya actress na si Liza Soberano.

Kanya-kanya namang post ang mga nag-abang na fans ng video at litrato ng pagdating ng grupo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Matatandaang inanunsiyo ng grupo ang kanilang pagbisita sa bansa sa pamamagitan ng nag-post ng Facebook live sa kanilang official page.

Sumikat ang grupo sa kanilang kantang “Bboom Bboom at “BAAM.”

Read more...