Death penalty, dapat ibalik para panlaban sa drug smuggling – Barbers

Naniniwala si House Dangerous Drugs Committee chairman Robert Ace Barbers na dapat ibalik ang parusang kamatayan upang malabanan ang smuggling ng droga.

Ayon kay Barbers na kapag natakot ang drug lords, hindi na ang mga ito magpupuslit pa ng ilegal na droga papasok ng bansa.

Paliwanag ng mambabatas, isa ang pagbabalik ng parusang bitay sa kanyang nakikitang paraan para maresolba ang problema ng pamahalaan kontra ilegal na droga.

Bukod pa aniya ito sa paghihigpit ng pagpapatupad ng mga batas laban dito.

Nito lamang nakalipas na mga linggo, sinasabing nasa 1,000 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 bilyon na nakasilid sa apat na magnetic lifters ang naipuslit sa GMA, Cavite na pinasinungalingan naman ng Bureau of Customs sa naging pagdinig ng Kamara.

Bukod dito, P4.3 bilyong halaga ng shabu rin ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at BOC sa Manila International Container Port (MICP).

Read more...