Umiinit na ang ulo ng ilang mga humahabol na magparehistro para makaboto sa 2016 Elections.
Kapansin-pansin ayon kay Comelec spokesman James Jimenez ang pagdagsa ng mas maraming mga tao sa mga nalalabing araw ng voters’ registration na magtatapos sa araw ng Linggo.
Sinabi ni Jimenez na nagdagdag na sila ng augmentation force para sa crowd control mula sa main office at volunteers mula sa naman sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).
Ayon kay Jimenez, sa metro Manila naitala ang pinakaraming mga naghahabol para makapagpa-rehistro.
Nagbibigay din sila ng priority numbers sa pila na kadalasang umaabot ng higit sa dalawang-daang katao.
Pero nilinaw ng Comelec na hindi puwde ang next day spill over na ang ibig sabihin hindi puwedeng gawing prayoridad kinabukasan ang mga may hawak nang number na hindi nakapagparehistro.
Ang mga hindi naman nabigyan ng numero o chance registrants ay mas malabo nang makarehistro kaya dapat bumalik na lang kinabukasan.
Nagdagdag din voters’ registration machines para sa biometrics capture sa Caloocan City, Makati, Mandaluyong, Marikina, Pasig Pasay, San Juan at Quezon City para mapabilis lalo ang proseso.
Idinagdag pa ng Comelec na umaabot pa rin sa 3 Milyon ang bilang ng mga botanteng di nakarehistro o wala pang biometrics.