San Juan City pag-aaralan ng PNP kung dapat isama sa election hotspots

marquez1
Inquirer file photo

Sinabi ni PNP Chief Director General Ricardo Marquez na magsasagawa muna sila ng assessment bago tumugon sa kahilingan ni San Juan City Vice-Mayor Francis Zamora na isama sa listahan ng election hotspots ang kanilang lungsod.

Tiniyak ng PNP Chief na magpapadala siya ng intelligence unit para pulsuhan kung may sapat na basehan ang hiling ni Zamora na kandidato sa pagka-alkalde ng lungsod para sa may 2016 Elections.

Nauna nang sinabi ni Zamora na tiyak na gagawin ang lahat ng Pamilya Estrada para hindi maputol ang halos ay limampung taon nilang pamumuno sa San Juan City.

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang opisyal na talaan na inilalabas ang PNP para sa mga lugar na isasa-ilalim nila sa Police control sa araw ng eleksyon.

Ayon pa kay Marquez, mandato ng Pambansang Pulisya na tiyakin ang maayos at tahimik ng halalan kasabay ang paalala sa kanyang mga tauhan na manatiling neutral sa mga isyung may kinalaman sa eleksyon.

Read more...