Ayon kay Public Affairs Office 5th Infantry Division officer-in-charge Capt. Noriel Tayaban, naganap ang palitan ng putok sa pagitan ng 95th Infantry Battalion ng Philippine Army at 40 armadong lalaki bandang 5:00 ng madaling-araw.
Sa ngayon, hindi pa nakikilala ang mga nasawi sa engkwentro.
Sumiklab ang engkwentro isang araw matapos aminin ng New People’s Army (NPA) na sila ang responsable sa pag-atake sa mga miyembro ng Task Force Kalikasan na nagbabantay sa checkpoint ng Barangay Sindon Bayado.
Sinabi naman ng militar na tuloy pa rin ang operasyon ng air strike teams at ground reinforcement sa naturang lugar.