Ayon kay Baguilat, ang ganitong polisiya ng gobyerno ay tulad din ng flexible working hours, carpool lanes, strict bus lanes na hindi naging matagumpay dahil sa malalang sitwasyon ng trapiko kaya ang kailangan ay drastic solution.
Hindi naman pabor ang mambabatas na ipa-recall sa MMDA ang bago nitong polisiya tuwing rush hour.
Sa halip naman aniya na ipa-recall ang driver only policy, ang dapat gawin ng Kongreso ay tutukan ang kanilang oversight at budgetary functions.
Kailangan aniyang hingin sa pamahalaan ang master plan para sa pagsasaayos ng mass transport system at ibigay ang kinakailangng pondo para rito.