Ayon kay Presdiential spokesman Harry Roque, pagod at dismayado na pangulo kung kaya nabanggit ng pangulo na gusto na niyang bumaba sa puwesto.
Paliwanag pa ni Roque, naniniwala kasi ang pangulo na si Marcos ang pinaka-kwalipikadong pumalit sa kanyang puwesto at hindi si Robredo.
Sa ilalim ng 1987 Constitution, kapag bumaba sa puwesto ang pangulo ng bansa, ang vice president ang awtomatikong papalit sa kanyang puwesto.
Sa ngayon, nakabinbin pa ang electoral protest ni Marcos kay Robredo sa Presidential Electoral Tribunal (PET).
Matatandaang tinalo ni Robredo si Marcos sa katatapos na 2016 elections.