Kasabay nito ay iginiit ni Thelma Meneses, spokesperson ng NutriAsia, na hindi nila mga kawani ang mga nagwewelgang mga manggagawa sa halip ay mga regular at permanent employees ng kanilang contractor na BMirk Group (BMirk).
Sa kanyang mensahe nilinaw ni Meneses na ang BMirk ay sertipikado ng Department of Labor and Employment (DOLE) bilang lihetimong toll packer/service provider na may empleyadong aabot sa mahigit 10,000.
Paglilinaw din ni Menses na kinumpirma ng DOLE na ang mga nagwewelgang empelyado ay may lihetimong employer-employee relationship sa BMirk at hindi sa NutriAsia.
Nanindighan din ang NutriAsia na walang basehan ang hinaing ng mga welgista na sila ay gawing regular na empleyado ng NutriAsia gayung regular naman na talaga silang kawani ng BMirk.