Sen. Trillanes ibinahagi ang negatibong resulta ng drug test

Ibinahagi ni Senator Antonio Trilllanes IV ang resulta ng kaniyang drug test.

Sa kaniyang twitter account, ipinost ni Trillanes ang kopya ng drug test report kung saan lumitaw na siya ay negatibo sa cocaine, ecstacy, shabu, morphine at tetrahydrocannabinol.

Sa caption naman sa kaniyang tweet, tinanong ni Trillanes kung kailan kaya magpapa-drug test ang mga Duterte?

Ang pagsailalim ng senador sa drug test ay base sa ikinasang random drug test ng senado sa kanilang mga empleyado.

Read more...