CJ Ramos balik-showbiz matapos maaresto sa paggamit ng ilegal na droga

Kuha ni Jan Escosio

Matapos maaresto dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga, magbabalik-showbiz ang dating child star na si CJ Ramos.

Sa Instagram ibinahagi ni CJ ang kaniyang larawan kasama ang aktor na si Coco Martin.

May hashtag ang larawan na #AngProbinsyano, #Secondchance, #Thankful at #Salamatbosscoco.

Indikasyon ito na mapapanood si CJ sa seryeng Ang Probinsyano ng ABS-CBN.

Si CJ ay nadakip sa isinagawang buy-bust operation sa Tandang Sora sa Quezon City noong Agosto 2, 2018.

Naaktuhan kasi ng mga pulis si CJ na bumibili ng ilegal droga sa isang drug pusher.

Sa panayam, inamin ni CJ na gumagamit siya ng ilegal na droga dahil sa mga personal na problema.

Nakilala bilang child star si Ramos noong 1990s kung saan nagbida siya sa ilang pelikula kabilang na ang “Ang TV Movie: The Adarna Adventure” at “Tanging Yaman.”

Read more...