Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, hindi pa nila natatanggap sa ngayon ang kopya ng resolusyon ng senado.
Sa sandali aniyang makuha nila ang kopya, kailangang mag-convene ng Metro Manila Council na binubuo ng mga alkalde sa Metro Manila dahil sila ang mga “final say” kung ititigil o itutuloy ang pagpapatupad ng bagong traffic scheme.
Sinabi ni Garcia na ipinatupad ang High Occupancy Vehicle Policy sa EDSA batay sa resolusyong ipinasa ng Metro Manila Council kaya ang resolusyon lamang din mula dito ang makapagbabawi ng polisiya.
Ang HOV scheme ay sumasailalim sa isang linggong dry run at target na pormal na maipatupad sa August 23.
Sa ilalim ng bagong traffic scheme, bawal dumaan sa EDSA ang mga sasakyan na driver lang ang sakay mula alas 7:00 hanggang alas 10:00 ng umaga at alas 6:00 hanggang alas 9:00 ng gabi, mula Lunes hanggang Biyernes.