68 anyos na miyembro ng Abu Sayyaf arestado sa Cebu

CDN Photo

Naaresto sa Cebu ang isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG).

Kinilala ang suspek na si Pelonio Oger Roma, 68 anyos na nadakip sa inuupahan niyang bahay sa Barangay Ocaña, Carcar City, Huwebes (Aug. 16) ng umaga.

Ayon kay PO2 Allan Villasurdan, desk officer ng Carcar Police Station, ipinatupad ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-7) ang search warrant na inisyu ni Judge Gilbert Moises ng Regional Trial Court Branch 18 ng Cebu City laban kay Roma.

Nakuha mula kay Roma ang .45 caliber na baril at isang granada.

Sinabi ni Villasurdan na base sa intelligence report ng CIDG si Roma ay miyembro ng Abu Sayyaf.

Nasa kostodiya ngayon ng CIDG-7 ang suspek.

Read more...