Ito ay makaraang ideklarang regular holiday ng Malakanyang ang nasabing petsa para sa selebrasyon ng pagtatapos ng Ramadan o Eid’l Adha, habang taunan na ring deklarado bilang special non-working holiday ang nasabing petsa bilang Ninoy Aquino Day.
Sa post sa kanilang Facebook page, ipinaliwanag ng NWPC kung paano ang magiging pagpapasweldo sa mga empleyadong papasok sa August 21 na isang regular holiday at special non-working holiday.
Ayon sa NWPC, para sa regular holiday, kung ang empleyado ay papasok sa trabaho sa August 21, bayad siya ng 200% ng kaniyang basic pay at kaniyang COLA.
At mayroon pa siyang dagdag na 30% ng kaniyang basic pay na imu-multiply sa 200% para sa naman sa special non-working holiday.
Sa kabuuan, ang manggagawang magtatrabaho sa August 21 ay tatanggap ng 260% ng basic pay at doble ng kaniyang COLA.