Makapangyarihang House Oversight Committee bubuhayin ng kamara

Muling bubuhayin ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang House Oversight Committee na nagbabantay sa performance ng mga ahensya ng gobyerno.

Ayon kay House Minority Leader Danilo Suarez, nakausap na niya si Speaker Arroyo at pumayag na buhayin ang makapangyariyang komite.

Tinanong na rin aniya siya ng house speaker kung ano ang mga kailangan ng oversight committee kagaya ng mga staff.

Sinabi ni Suarez na hiniling naman niya sa lider ng kamara na taga minority bloc ang chairman nito.

Ito anya ay upang masiguro na magbabantay ng mabuti sa mga ginagawa ng mga ahensya ng gobyerno.

Ang House Oversight Committee ay binuwag sa ilalim ng administrasyong Aquino kung saan si Suarez ang dating chairman.

Read more...