Dagdag-sahod sa mga manggagawa sa Davao Region epektibo ngayong araw

Epektibo na ngayong araw ang dagdag sahod sa mga manggagawa na nasa Davao Region.

Sa abiso ng National Wages and Productivity Commission, mula sa dating P340 ay magiging P370 na ang minimum wage ng mga manggagawa sa Davao Region simula ngayong araw.

Para naman sa mga nagtatrabaho sa agriculture sector ay magiging P365 na ang minimum wage mula sa dating P335.

At sa mga kumpanya na ang empleyado ay hindi lalagpas sa 10 ay magiging P355 na ang minimum na sweldo mula sa dating P325.

Sa February 16, 2019 ipatutupad ang ikalawang bugso ng pagtaas ng sahod sa mga manggawa sa Davao Region kung saan P26 pa ang idaragdag sa minimum wage.

Read more...